Smart Travel Strategies - Paano makakatipid sa Byahe (Eng - Fil)

avatar
(Edited)
We often think about how to save on travel expenses. Whether you use public transport or have your own vehicle, you're always thinking about how to save on both costs and travel time.

When I used to work in an office, I commuted daily. The fare wasn’t expensive since it was just one ride to the office, but after a month, I decided to buy a motorcycle.

It wasn't just because it was cheaper in the long run, but also because it saved me time on days when I had other places to go. With a motorcycle, travel time is reduced since it doesn’t stop frequently like public transport.

I rode a motorcycle for a long time and found it to be a significant saving, not just on fares for traveling to different places but also on travel time.

For me, time is very important. Money spent on things can be earned back, but lost time cannot be regained.

Having a vehicle doesn’t always mean saving money. When I resigned, I bought a car. While it was more expensive, it was safer, more comfortable, and faster for getting around.

Madalas nag i isip tayo kung paano ang gagawin natin kung paano tayo makakatipid sa byahe. Namamasahe ka man o may sarili kang sasakyan ay lagi mong ini isip kung paano ka makakatipid sa gastos at oras mo sa byahe.

image.png

Noong panahong namamasukan pa ako sa opisina ay araw araw akong namamasahe o nag co commute papuntang trabaho. Hindi naman mahal ang pamasahe ko kase isang sakay lang naman ako papuntang opisina pero ng sumunod na buwan ay naisipan ko nang bumili ng motor, hindi lang dahil mas tipid ito sa pang matagalan ito din ay para makatipid ako sa mga ibang araw na may kailangan akong puntahan na lugar, bukod doon ay natitipid ko pa ang oras ng byahe ko dahil hindi ito pahinto hinto tulad ng kapag na mamasahe ka.


Matagal akong nag motor at masasabi ko na malaking katipidan ito hindi lang sa pamasahe sa pag punta punta sa ibat ibang lugar kung hindi pati oras mo ay natitipid mo.

Para sa akin kasi ay napa ka importante ng oras. yung pera kasi na ginagastos natin sa mga bagay bagay ay pwee nating kitain ulit pero ang oras na nawala ay hindi na.

Hindi porket may sasakyan ka ay makakatipid kana. Nang mag resign ako ay bumili ako ng kotse, dito naman ay mas magastos pero mas safe ka , mas komportable at mas mabilis ka ding makakapunta sa kung saan ka pupunta.

Kaso nga lang hindi na ako madalas umalis ng bahay nang nag WFH ako kaya hindi ko din nagagamit at suma total ay mas lumaki pa ang gastos ko na wala naman akong pakinabang dahil sa mga gastos na tulad ng maintenance, taunang rehistro at insurance. bukod pa doon ay kadalasan kailangan mong magbayad ng parking fee kapag may dala kang kotse dahil hindi tulad ng motor na madali lang igilid at itabi sa kung saan, ang kotse ay malaki at sagabal kung basta basta mo na lang i tatabi sa daan, baka sa huli ma bigyan kapa ng ticket ng MMDA.

Sa ngayon ay wala na din akong kotse, dahil nga naisip ko na dagdag gasos lang iyon. Magastos padin ako sa pamasahe dahil lagi akong nag bo book ng Grab car tuwing aalis, isang back and forth na gastos ko ay madalas uma abot mula 600 - 900 pesos.

Pero OK lang sa akin iyon dahil bihira lang naman ako umalis. sa ngayon mas importante sa akin ang komportable kesa sa makatipid. Pupunta ka sa isang lugar, tipid ka ng tipid, ang ganda ganda ng porma mo tapos pag dating sa pupuntahan mo ay mukha ka ng basahan dahil sa dami ng usok na sinagap mo sa pampublikong transportasyon na minsan hindi mai iwasan ay may makakatabi kapang hindi kanais nais ang amoy.

Ayaw ko din makipag siksikan sa mga LRT station simula nang mang yari ang Pandemic na hininga lang ng tao ay maari ka nang mahawa ng sakit. Sa huli kakatipid mo, mas napa gastos kapa.

Ang isang tip ko lang talaga na maiisp para makatipid ka sa pamasahe ay bawasan ang mga hindi kailangang pag alis sa bahay. Kung hindi mo naman kailangang umalis, huwag kang gumawa ng lakad. manahimik ka dyan sa bahay mo. hahaha!!!

However, I didn’t go out much after starting to work from home, so I ended up spending more without much benefit due to expenses like maintenance, annual registration, and insurance.

image.png

Additionally, you often have to pay for parking when you have a car, unlike a motorcycle which is easy to park anywhere. Cars take up space, and improper parking can result in an MMDA ticket.

Now, I don’t have a car anymore as I realized it was just an extra expense. I still spend a lot on fares since I often book Grab cars, costing me 600-900 pesos for a round trip.

But that’s okay with me because I rarely go out. Comfort is more important to me now than saving money. You might save money by using public transportation, but you arrive at your destination looking disheveled and inhaling pollution.

I also avoid crowded LRT stations since the pandemic, as it’s easy to catch illnesses from others. In the end, trying to save money can sometimes cost you more.

My main tip for saving on travel expenses is to reduce unnecessary outings. If you don’t need to go out, stay home. Hahaha!
gif 1.gif


Image Credits: Created using Night Cafe Studio and Edited Using Capcut Desktop

night cafe ani banner.gif

Other Topics You Might Like

image.png



0
0
0.000
2 comments