Pinoy Idioms - Ano daw?

Philippine Idioms? Teka teka, ano ba yung Idioms? Possibleng nagagamit mo na ito sa araw araw na pakikipag usap mo pero hindi mo na pala alam.

Ang idiom ay isang ekspresyon kung saan pinapalitan natin ng ibang salita ang mga literal na salita para i describe ang isang bagay.

Medyo maguguluhan kayo kayo bigyan ko na lang kayo ng Example. Halimbawa may kakilala kang tao na kung matulog ay sobrang himbing at kahit mag ingay ka ay hindi man lang nagigising, ang idiom para doon ay tulog mantika.

Alam naman nating hindi natutulog ang mantika pero diba ang mantika ay likido pero kapag sinabi nating tulog sya ay nagiging paranag solido na at kailangan mo pang painitan para magaing likido ulit?

image.png
Image generated by Dalle

image.png
Image generated by Dalle

Isa pang halimbawa ay Ilaw ng tahanan.

Hindi ibig sabihin nito eh yung bombilya na nakakabit sa kisame ng bahay nyo kundi ito ay tumutukoy sa nanay ng tahana na syang nagiging gabay at liwanag ng pamilya.

Maliwanag na ba? Imbes na yung salita na may literal na kahulugan ang gagamitin mo ay gagamit ka ng salita na maaring mag describe na pwede mong ma i relate sa mga bagay na tinutukoy mo.

Balat Sibuyas na ang ibig sabihin ay matampuhin, dahil manipis lang ang balat ng sibuyas at mabilis itong matuklap, ganun din naman yung tao na konting bagay lang ay parang nasugatan na ang damdamin.

Nakakatuwang gumamit ng Philippine Idioms kasi form of ekspresyon na natin itong mga Pinoy.

Hindi unique ang Idioms ha, kahit ang ibang mga bansa ay may idioms din.

Pero hindi ko nakahiligang gamitin ito, madalas ko lang itong madinig sa nanay ko noong bata pa ako at sa mga lolo at lola ko. . Kung gumagamit man ako ng Idoms ay kapag nang iinis ako sa mga kaibigan ko at karamihan ng ginagamit ko puro kalokohan pa. Tulad ng Hininga ng Dragon na ang ibig kong sabihin ay mabaho ang hininga kase diba ang hinga ng Dragon ay Apoy. hahaha! yung mga ganoong idioms lang ang ginagamit ko.

image.png
Image Generated by Dalle

pwede ka din gumawa ng sarili mong Idioms at pasikatin mo na lang, malay mo balang araw maging bukambibig na din yan ng mga Pinoy.

image.png



0
0
0.000
10 comments
avatar

HAHAH grabe yung hininga ng dragon, akala ko patungkol sa galit kasi bumubuga na ng apoy. Never knew that lodens!

Fan din ako ng Pinoy idioms pero sa panahon ngayon na nagbabago ang wikang gamit parang di na sya ganun ka gamit. O baka kasi di tayo gen-z kaya di tayo aware?

0
0
0.000
avatar

Congratulations @lolodens! You have completed the following achievement on the Hive blockchain And have been rewarded with New badge(s)

You received more than 4750 upvotes.
Your next target is to reach 5000 upvotes.

You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Check out our last posts:

Hive Power Up Month Challenge - May 2024 Winners List
Be ready for the June edition of the Hive Power Up Month!
Hive Power Up Day - June 1st 2024
0
0
0.000
avatar

Ang ganda kayang gumamit ng nga idioms. Kaso, kapag yong iba di agad na gets, dun na papasok ang hirap kung paano ipapaliwanag. Tenge pa naman ako nag explain, lol. La lang, share ko lang 😆

0
0
0.000
avatar

hahaha! yung iba naman pag hindi nila na gets sasabihin nag papauso ka.

0
0
0.000