Sino nga ba ang paborito kong Hiver?

Ang Prompt para sa araw na ito sa Tagalog Trail ay kung sino ang paborito mong Hiver.

image.png

Tinatanong pa ba yan? Syempre AKO! hahaha!!! Pogi na, matalino pa, masipag pa! Hahaha! Pero syempre joke lang yan.

Pero meron nga ba akong paboritong Hiver? Hmnnnn??? (Sandaling katahimikan habang nag iisip ako) Kapag kasi sinabi mong paborito mong Hiver ay dapat ina antabayanan mo yung mga post nya, nakikipag chat ka sa kanya dahil nagtatanong ka kung paano mo ma iimprove ang mga Blog mo dito sa Hive Blockchain, inu upvote mo palagi ang post nya.

Meron akong gustong mga Hiver dito sa chain pero hindi ko naman masabi na paborito ko sila, sila lang yung mga Hiver na lagi kong nakaka usap, mga mahilig magbigay ng tips at alam mong sincere sa mga bagay na sinasabi nila.

ilan sa mga ito sina @suteru @eustace-kidd at madami pang iba. Mga Hiver na kapag nagtanong ka ay sasagutin ka ng may sinceridad. Hindi ko man ina antabayanan ang mga post nila pero sila yung mga palagi kong nakaka usap hindi lang sa comment section ng mga post kung hndi pati sa mga group chat.

Hindi ko din kinakalimutan na isupport ang mga post nila tuwing mag bubukas ako ng aking feed.

Sila din yung mga Hiver na laging nag iisip kung paano mag gro grow dito sa Hive at shina share nila iyon sa iba.

Supportive din sila sa mga post ng kakilala nila, at active sila sa coment section. Kaya naman kapag nagtanong sila sakin ay sinasagot ko din agad ang mga tanong nila kung alam ko din lang ang sagot.

Pero gaya nga ng unang biro ko, ako talaga ang paborito kong Hiver dito sa Hive. hahaha! Joke ulit.



0
0
0.000
12 comments
avatar

Hive is little bit complicated to understand but having fellow hivers like them was a great help!

0
0
0.000
avatar

Yes, it's really good that there are Hivers helping many people understand the ins and outs of the Hive Blockchain.

0
0
0.000
avatar

Thank You Bossing, ❤️Support hanggang sa kung saan man tayo dalhin ng ating dedikasyon sa Hive-Block-Chain yeah!! Ikaw ang pinaka-PoGI! HAHAHA!!

untitled.gif

!PIZZA
!PGM

0
0
0.000
avatar

Hahaha! Salamat naman at sumang ayon ka na ako ang pinaka pogi! 😆

0
0
0.000
avatar

Yown oh! Si Suts talaga ang lodi sa mga SPL players super nice si Lodens naman sa RSG

0
0
0.000